Kim Chiu, naluha sa 'ipinagkatiwalang' pelikula | Kim Chiu's Official Website
15963
post-template-default,single,single-post,postid-15963,single-format-link,qode-quick-links-1.0,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,transparent_content,qode-child-theme-ver-1.0.0,qode-theme-ver-11.2,qode-theme-bridge,wpb-js-composer js-comp-ver-5.2.1,vc_responsive

Labing-isang taon na sa industriya ng showbiz si Kim Chiu.

Nakilala siya bilang “Chinita Princess” at kalauna’y “Big Winner” sa unang bersiyon ng “Pinoy Big Brother Teen Edition.”

Kuminang ang kaniyang pangalan na laging may katambal, kabilang sina Gerald Anderson at Xian Lim.

Pero sa unang pagkakataon, mag-isang bida si Kim para sa horror film na “The Ghost Bride.”

Hindi napigilan ni Kim na maluha nang ibahagi kung gaano kahalaga ang proyektong ito sa kaniya.

“For me, to be given this big opportunity, sobra ‘yung hard work… everything, through the years, para pagkatiwalaan ka ng ganito kalaking pelikula, nakaka-touch,” ani Kim.

“Hindi ko in-expect talaga. Naramdaman kong importante ka sa industriyang ito para bigyan ka ng ganito kalaking movie,” dagdag pa ng aktres.

Kinunan ang ilang eksena ng pelikula sa bansang Nepal.

Ito rin ang ikatlong pagkakataong direktor niya si Chito Roño.

Taong 2012 nang unang makatrabaho ni Kim si Direk Chito sa pelikulang “The Healing” kasama si Vilma Santos.

“Etiquette for Mistresses” naman ang kanilang ikalawang pelikula, na inilabas noong 2015.

Ayon kay Kim, hindi naman siya nagrereklamo sa kabila ng mga papel na palaging may ka-love team.

“It’s part of growing up sa showbiz na mayroon kang mga ka-love team, mayroon kang iba’t ibang nakakatrabaho. Pero given this kind of opportunity, hindi ko ma-explain ‘yong sarili ko talaga,” ani Kim.

Hango ang kuwento ng “The Ghost Bride” sa kaugalian ng mga Chinese. Dito, nagdaraos ng kasal sa pagitan ng isang buhay at patay o kapuwa patay.

Una nang ibinahagi ni Kim na mayroon siyang lola na naging “ghost bride”

No Comments

Post A Comment

WordPress Video Lightbox Plugin