11 taon nagsakripisyo: Kim Chiu nabigyan ng bonggang buhay ang lahat ng kapatid | Kim Chiu's Official Website
15960
post-template-default,single,single-post,postid-15960,single-format-link,qode-quick-links-1.0,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,transparent_content,qode-child-theme-ver-1.0.0,qode-theme-ver-11.2,qode-theme-bridge,wpb-js-composer js-comp-ver-5.2.1,vc_responsive

MABUTI na lang at sinuwerte si Kim Chiu sa showbiz dahil kung hindi, malamang ikinasal na siya sa isang patay.

Payag kasi ang dalaga na maging ghost bride tulad ng karakter niyang si Mayen sa pelikulang “The Ghost Bride” na mapapanood na sa Nob. 1 handog ng Star Cinema.

Kuwento ni Kim sa ginanap na presscon ng bago niyang horror movie, “Kung kailangan (papayag maging ghost bride), kasi po, ako I’m proud and very thankful na (dahil) dito sa showbiz, natulungan ko ‘yung pamilya ko na mapatapos po ng pag-aaral mga kapatid at okay na ang buhay nila.

“Kung wala itong showbiz at in-offer akong maging ghost bride at kung 50-50 ang isa sa magulang ko o kung sinumang kamag-anak ko at wala kamin pambayad sa bills, bakit po hindi? Gagawin ko po ‘yun siyempre, para sa pamilya ko,” ayon kay Kim.

Maski sinong anak naman siguro kapag may pinagdadaanang problema ang pamilya, imposibleng hindi ka papayag sa isang bagay na alam mong ikagiginhawa nila kahit na alam mong ikapapahamak mo ito.

Kaya nga nag-audition si Kim sa PBB noon dahil gusto niyang makatulong sa pamilya, at hindi naman siya nagkamali ng desisyon dahil siya ang tinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006.

Hanggang sa sunud-sunod na ang suwerteng dumating kay Kim at sa loob ng 11 years sa showbiz ay nabigyan niya ng magandang buhay ang buong pamilya niya bukod pa sa napag-aral ang mga kapatid at may mga kanya-kanyang negosyo na.

Laki sa hirap si Kim kaya marunong siyang makibagay sa lahat ng uri ng tao at ito rin ang napansin ng lahat, hindi nakakalimot ang aktres sa mga taong una niyang nakilala noon hanggang ngayon lalo na sa entertainment press na sa tuwing makikita o masasalubong niya ay binabati pa rin niya at kusang lalapit para bumeso.

Anyway, nabanggit ni Direk Chito Roño na tailored made ang “The Ghost Bride” kay Kim, “Itong project na ito is really para sa kanya, ang pagkaka-design ng pelikula.” Sagot ni Kim, “Masaya ako, sobra akong honored to play in his movies. Kasi movie talaga ito ni direk Chito kasi lahat ng elemento na naiisip niya, nilagay niya rito at in every scene alam mong may touch talaga niya. Saka super bonding kami ni direk dito, eating, chika, alam ko na nga ang childhood ni direk, di ba?”

Sa tanong kung hindi na takot si Kim makatrabaho si direk Chito na sinasabing terror sa kanyang mga artista, “Hindi, huwag ka lang mali-late talaga dahil naku, mae-edit out kayo,” tumatawang sabi ni Kim.

Unang solo movie ni Kim ang “Ghost Bride”, “Kaya nagpapasalamat po ako sa Star Cinema kasi sa tagal ko sa industriya, nagkaroon ako ng solo movie, ito nga po ‘yun. I’m very honored and thankful at wala na akong mahihiling pa. Ang hihilingin ko lang sana, suportahan nila ako sa pelikulang ito.”

Samantala, nagamit ni Kim ang pagiging runner niya sa pelikula, “Opo, nagamit ko sa pagtakbo-takbo sa paghabol sa akin ng mga multo sa ibang dimension.

“Sobrang exciting ang pelikula dahil marami kaming ipapakita tungkol sa Chinese culture at untold Chinese tradition tulad nitong ghost bride.

“Tapos ipapakita rin namin ang Nepal, at ibang mundo na si direk Chito lang ang may alam kung saang lugar iyon at ‘yung lugar na iyon, takot na takot po ako na parang iba ‘yung feeling namin sa lugar na iyon sa isang bahay na sobrang lamig tapos paglabas mo mainit, parang buong araw na ‘yun, takot na takot kami pero exciting naman,” aniya pa.

Mapapanood na ang “Ghost Bride” sa Nob. 1 kung saan kasama rin sa cast sina Matteo Guidicelli, Beverly Salviejo, Christian Bables, Isay Alvarez, Nanding Josef, Mon Confiado, Ina Raymundo, Jerome Ponce, Cacai Bautista at marami pang iba.

Usaping Kim Chiu pa rin, tuluyan nang tatanggapin ng karakter niyang si Bianca na hindi na sila magkakabalikan ni Gabriel (Gerald Anderson) dahil sa tingin niya ay may iba na ang binata, si Alex (Arci Muñoz) sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Sa umeereng kuwento ng ILAI ay muling nagkita sina Bianca at Gabriel ngunit hindi ito tulad ng kanilang inaasahan dahil sa pag-aakalang may iba nang karelasyon ang isa’t isa.

Nauwi rin ito sa selosan matapos makita ni Bianca ang matamis na pagtitinginan nina Gabriel at Alex kaya naman ipinakilala niya si Percy (JC Santos) bilang kanyang bagong nobyo.

Tuluyan nang inamin ni Percy kay Bianca ang kanyang tunay na nararamdaman at ganap nang liligawan ang dalaga, samantalang patuloy namang palalakasin ni Alex ang loob ni Gabriel na harapin ang mga pagsubok sa buhay at magbukas ng pintuan sa panibagong pag-ibig.

Read more: http://bandera.inquirer.net/166347/11-taon-nagsakripisyo-kim-chiu-nabigyan-ng-bonggang-buhay-ang-lahat-ng-kapatid#ixzz4vv3KvLCk
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Tags:
No Comments

Post A Comment

WordPress Video Lightbox Plugin