Kim Chiu, hindi magaling na singer | Kim Chiu's Official Website
15771
post-template-default,single,single-post,postid-15771,single-format-link,qode-quick-links-1.0,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,transparent_content,qode-child-theme-ver-1.0.0,qode-theme-ver-11.2,qode-theme-bridge,wpb-js-composer js-comp-ver-5.2.1,vc_responsive

HANGANG-HANGA ang press people na um-attend sa media launch ng bagong CD ni Kim Chiu under Star Records, ang Touch Of Your Love. Most of the press attendees have seen Kim since her day one in Pinoy Big Brother hanggang ito na nga ang nag-emerge na grand winner.

Common observation kay Kim ay ang pagiging mabait pa rin na pakikitungo nito sa press people. Kwela at palabiro pa rin ito. Nagagawa talaga ni Kim na maging masaya ang isang event tulad ng nasabing press launch.

More than a decade na si Kim sa showbiz. And the press people only have good words for her, ang mahusay na pakikisama nito.

When asked about how she deals with people questioning her ta­lent as singer, “Aminado naman po ako na hindi ako magaling na si­nger, na hindi ako tulad ng ibang singers na kaya lahat ng range. But ‘yun po, I can entertain people,” pahayag ni Kim.

Even Rox Santos, the album producer of Touch Of Your Love admits na careful sila sa pagpili ng mga songs sa album ni Kim.

“We know her range as a singer. And laking pa­sasalamat namin, lagi po kaming may mga songs na perfect sa range and musicality ni Kim.”

Kim’s second album has reached the Platinum status. Today at 6PM, magaganap ang album launch ni Kim sa SM Skydome. Ilan sa mga guests niya dito ay sina Kisses Delavin at Kaye Cal. Ang balita namin, sold out ang tickets sa nasabing event na ito ni Kim.

 

1Comment
  • Alexandra
    Posted at 07:34h, 30 September Reply

    Please translate in English… Thanks..

Post A Comment

WordPress Video Lightbox Plugin