Kim at Gerald, naghiwalay na naman | Kim Chiu's Official Website
15596
post-template-default,single,single-post,postid-15596,single-format-link,qode-quick-links-1.0,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,transparent_content,qode-child-theme-ver-1.0.0,qode-theme-ver-11.2,qode-theme-bridge,wpb-js-composer js-comp-ver-5.2.1,vc_responsive

CRYING in the rain ang drama nina Kim Chiu at Gerald Anderson bilang sina Bianca at Gabriel sa episode ng Ikaw Lang ang Iibigin nitong Lunes dahil kinailangan na nilang maghiwalay para sa ikatatamik nilang pareho.

Let it hurt… then let it go. #ILAIKaba #IkawLangAngIibigin

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Parehong kumukulo ang dugo sa isa’t isa nina Bianca (Kim) at Rigor (Daniel Fernando) dahil naniniwala ang una na may kinalaman ang huli sa pagkamatay ng inang si Maila (Bing Loyzaga).

Gayundin si Gabriel (Gerald) na galit na galit sa kinikilalang amang si Rigor (Daniel) dahil sa paniniwalang pinatay nito ang kinikilalang inang si Victoria (Ayen Munji-Laurel).

At dahil litong-lito na si Carlos (Jake Cuenca) ay kinailangan na nitong maglabas ng bigat ng dibdib kaya naipagtapat niya sa babaeng may gusto sa kanya na si Isabel (Coleen Garcia) na si Rigor (Daniel) ang tunay niyang ama at may kinalaman sila sa pagkamatay ni Maila (Bing).

Kaya huwag na huwag aawayin o pagdiskitahan ni Carlos (Jake) si Isabel (Coleen) dahil baka mapundi o madulas ito at ibulgar ang lihim nito.
Samantala, pinaiimbestigahan na ni Roman (Michael de Mesa) sa mga pulis si Rigor (Daniel) dahil naniniwala siyang may kinalaman ito sa pagkamatay at pagkapilay ni Maila (Bing).

Ang tanong sino ang tumulak naman kay Victoria (Ayen) para tuluyan siyang mahulog sa building at mamatay?

At si Arci Munoz kaya ang magiging ka-love triangle nina Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim) dahil magiging boss ng binata ang sexy actress?

Anyway, abangan ang mga revelation sa Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-It’s Showtime mula sa Dreamscape Entertainment at sina Onat Diaz at Dan Villegas naman ang direktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

7 Comments
  • Melba Tiong
    Posted at 01:24h, 29 September Reply

    Wow 🌼

  • Mae Ann Palioto
    Posted at 02:29h, 29 September Reply

    Hindi na na magkabalikan si Bianca at Gabriel sana magkatagpo ulit sila 😭😭 #Kimerald

  • La Gretta
    Posted at 04:20h, 29 September Reply

    Kani.jd akong giuna ug basa eh noh? Congrats on ur website kim chiu!

  • Rhoda B. Padilla
    Posted at 02:20h, 30 September Reply

    After one year … Kasalan na ❤️️❤️️

  • Del Miranda
    Posted at 14:23h, 30 September Reply

    I am a Kimerald fan from the beginning and I am still a fan up to now. Their chemistry is just outstanding and my wish is when everything is said and done with their relationship with others, they will be the one for each other till eternity. ❤️

  • cindy gumtang
    Posted at 14:50h, 30 September Reply

    Miss ko na si Bianca at Gabriel 😭 KimErald balik na kayo please para happy tayo lahat 😁😁

  • Liza bedes
    Posted at 15:34h, 30 September Reply

    Magkkabalikan ulit yan….

Post A Comment

WordPress Video Lightbox Plugin