Paano nabuo ang pagkakaibigan nina Kim Chiu at Bela Padilla? | Kim Chiu's Official Website
15474
post-template-default,single,single-post,postid-15474,single-format-video,qode-quick-links-1.0,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,transparent_content,qode-child-theme-ver-1.0.0,qode-theme-ver-11.2,qode-theme-bridge,wpb-js-composer js-comp-ver-5.2.1,vc_responsive

Paano nabuo ang pagkakaibigan nina Kim Chiu at Bela Padilla?

MANILA — Inamin ni Kim Chiu na dagdag kasiyahan sa kanyang buhay ang kanyang mga bagong kaibigan tulad ni Bela Padilla.

Sa “Magandang Buhay” nitong Martes, masayang ibinahagi ni Kim kung paano siya naging malapit kay Bela.

“(Nabuo ang pagkakaibigan) dahil sa sayaw, sa trade launch at mayroon kaming common friend. Hanggang sa nag-click,” ani Kim.

“(Two months) na kaming mag-friends, malalim talaga ang pinagsamahan namin.You meet that person, you click and then you laugh,” dagdag ni Kim.

Sa panayam, sinabi ni Kim at Bela na naging malapit din sila sa isa’t isa dahil sa pareho nilang pagiging masiyahin at hilig sa pagkanta.

“Ako gusto kong mag-laugh (tumawa), gusto din niyang mag-laugh at kumanta. Lagi kaming nagbi-videoke. As in gusto na naming umuwi pero ‘yung listahan doon sa videoke (pinapa-stay) kami,” ani Kim na pinapurihan din ang husay ni Bela.

“Si Bela kasi sobrang talino nito, sobra siyang makata talaga. So nakakabilib talaga,” ani Kim.

Para naman kay Bela, nagpasalamat siya na naging bukas si Kim na mapalapit sa kanya.

“Kahit sandali lang tayo magka-close parang feeling ko matagal na tayong magkakilala kasi very open ka nga. Thank you for allowing people to get to know you because that’s a very nice thing,” ani Bela na umaming isa siyang fan ng tambalan ni Kim at Gerald Anderson.

Samantala, maliban kay Bela, masaya din si Kim sa pagiging malapit niya sa mga kaibigan na sina Via Antonio na kasama niya sa seryeng “Ikaw Lang Ang Iibigin” at Angelica Panganiban.

“Si (Bela) ang lagi kong kausap, pero si Angelica kapag nagkita kami parang hardcore din, ‘yung parang walang nagbago, ‘yung parang magkapitbahay lang na nagkita ‘uy kamusta?'” ani Kim.

Para kay Kim, masaya siya na muling magtiwala at magkaroon ng mga kaibigan na lagi siyang pinapasaya at nagbibigay ng suporta.

“Parang may time na natakot talaga akong makipagkaibigan. May time sa life ko na umabot ako doon na nagkukulong ako sa house, gusto ko mga kapatid ko lang ang mga kasama ko. Tapos dumating sa point na parang ay okay pa lang magkaroon ng kaibigan. After noon na meet ko sila, we laugh super hard, as in ang sakit ng tiyan ko, ang saya. Tapos pagtulog mo ang saya mo pa rin. So ang saya ng may friends. So nandiyan sila to support you. I’m very happy and thankful sa time and effort na pagpapasiya nila sa akin, naa-appreciate ko sila,” ani Kim.

2 Comments
  • Dyna Falcatan
    Posted at 03:31h, 29 September Reply

    Kahit ilan lang talaga ang friends mo basta totoo at kahit bago lang basta click n agad, masaya na. Happy for you Kim.

  • Honey Gatasi
    Posted at 02:31h, 30 September Reply

    May kasabihan nga tayo na “forget the numbers” kaya applicable un sa friendships. Di importante ang madami ang importante totoo sila. Happy happy lang dapat 🙂 Idol po kita hope to see you soon and sana po mkasama kita sa taping kahit extra lang po ako. Hihi!!

Post A Comment

WordPress Video Lightbox Plugin